affinity

Month

March 2010

62 posts

Mar 31, 20104 notes
Mar 31, 20102 notes
#Movie
Mar 31, 20106 notes
Mar 30, 20109 notes
#Photo #March 2010
Mar 30, 20103 notes
Mar 29, 201087 notes
#Photo #March 2010
Still Around 3OH!3

It’s the least I can do
‘Cause this life is anything but certain
When they close the final curtain
You’ll get a glimpse of the truth

Ngayon ko lang narinig ang bagong dinownload ko na album ng 3OH!3, lahat ng album nila. At ito ang pinakagusto ko maliban sa Starstrukk at Don’t Trust Me sa kanta ng 3OH!3 na siya namang nag-iisang tahimik na kanta nila.

Nakarelate kasi ako, pamagat pa lang ng kanta. Parang ganito, kahit ano paman, siya ay nandiyan pa rin.

Mar 28, 20101 note
#Music #March 2010
“It’s over, it’s just a memory.” —Harry Potter, Harry Potter And The Chamber Of Secrets
Mar 28, 20101 note
#MovieLines
Mar 28, 2010
#Photo #March 2010
Earth Hour Effect

Ang init-init madaling araw tapat. Ang ganitong klaseng init na nararamdam ko ay kabaligtaran sa oras ngayon. Bumabaligtad na ba talaga ang mundo o pakiramdam ko lang ito?

Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko. Hubad na nga ako natulog pero pawis na pawis ako. Lumipat ako ng kwarto para magpahangin ngunit ramdam ko pa rin ang init. Di tuloy ako makatulog ng maayos. Ang ginawa ko lang ay naghilamos, nagcomputer at nanood ng Percy Jackson & The Olympians: The Lightning Thief na tapos ko ng idownload. Tinapos ko ang movie kahit mata ko’y gusto ng matulog. Idol ko ang buhok ni Logan Lerman.

Ala-una na ng hapon ako nagising. Pawis na pawis ang likod, basang-basa ang higaan. Parang inihian ako. Kumain at nanood ng Party Pilipinas. Okay din ang ipinalit ng SOP. Marami lang bagong performers at sana bago ang mga kanta palagi. Pagka-alas kwatro, gusto kong magbasa ngunit ako ay nakatulog. Mabuti at nagising ako pagka 4:30, may lakad kasi ako. At na naman ako ay basang-basa ng pawis pati ang higaan.

Tinatamad ako bumangon, pagod na pagod ang aking katawang na para bang binugbog at di na makatayo. Ligo na ako diritso para di mahuli sa lakad. At doon ako nakabawi ng aking lakas.

Natandaan ko na hindi pa pala ako naliligo mula noong nakauwi ako galing sa overnight. Kaya pala ganoon ang init na nararamdam ko. Dapat talaga maligo araw-araw.

Mar 28, 2010
#Text #March 2010
Mar 25, 2010189 notes
#Photo #March 2010
Mar 25, 20101 note
Barkadang Buntis

Ito ang balitang hindi ko alam kung ano ang aking reaksyon. Basta ako ay gulat na gulat sa balita. Nagdadalawang isip pa nga ako kung maniniwala ako o hindi. Pero sempre maniniwala ako dahil kaibigan ko ang nagbalita sa akin.

Limang buwan na palang buntis ang barkada kong babae. At ngayon ko lang nalaman. Jung hindi isinabi sa akin ng kaibigan ko ang tungkol sa kanya, wala akong kaalam-alam.

Hindi pa rin ako kumbinsedo sa sinabi ng kaibigan ko. Kaya tinext ko ang barkada kong babae para maconfiremd talaga. Hindi ako nagtanong kaagad kong buntis ba talaga siya.Baka kasi sekreto lang ang lahat. Mayayari ang kaibigan ko niyan. Kaya nagtanong ako kung magsa-summer class siya. Nagreply naman siya na hindi siya magsa-summer class pati mag-first sem. Idineretso ko na sa pagtanong na kung bakit. At totoo ngang buntis siya. Siyempre tuwang-tuwa ako dahil ayos na sa kanyang mga maglang at pinanindigan ng kanyang syota ang kanilang relasyon. Ito ang saglit na pagtetext namin.

*ging! late kau ka sa chika ba.. d nman q mgsummer & 1st sem :) rep lng glob nq Mar24,’10 19:43:47

*aw! shocking jd! haha :) cge bya tka ingnan na naa qy chika! busy mn ka, tsk รบ kblo nman dy ka! haha :D no nid 2 xplain na. LOL Mar24,’10 20:11:32

*yupyup! :) bisita lng gd mo, KUNG katuod mo. haha :) yup, balo na cla & apl pd mga CE cm8s, dghn nmn kblo. LOL. lge, mama nko ging. pait kau, haha. Mar24,’10 20:25:34


Okay ang lahat. Gusto ko na tuloy siyang makita na iyong malaki na ang kanyang tiyan. May plano na kami ng magbabarkada ko na ngayong summer kami dadalo sa kanya. Sa kanyang 18th birthday subalit wala siya sa kanila. Basta. Makita na sana namin siya.

Mar 24, 2010
#Text #March 2010
One Man Wrecking Machine Guster

English:
I wanna pull it apart and put it back together
I wanna relive all my adolescent dreams
Inspired by true events on movie screens
I am a one man wrecking machine

Filipino:
Gusto kong ihiwalay at ilagay sa tamang pagkakaayos
Gusto kong muling mabuhay ang lahat ng aking kabataang pangarap
Inspirasyon sa pamamagitan ng tunay na mga kaganapan sa screen sa pelikula
Ako ay isang taong gibaing makina

Mar 24, 20101 note
#Audio
Mar 23, 20101 note
#Photo #March 2010
Andito na si karma

Di ko alam kung paano nagkaganito at di ko talaga alam. Kahapon lang talaga ito nagsimula, Lunes na Lunes ang malas malas.

Una: Dahil di ako pumunta ng paaralan dahil tinatamad akong pumunta. Wala na kasi akong klase. Nakalimutan ko magsingil sa may mga utang sa akin. Kaya ngayon may utang ako na P1000 sa aking mga magulang. At sana ngayong araw ay mabayaran ko na. Pupunta ako sa paaralan para maningil ng may mga utang sa akin. At sana ay umabot ng P1000, P300 lang ang pera ko.

Pangalawa: Umihi ako ng kulay dugo. Akala ko noong una ay kulay lang iyon ng aking damit na nilabhan ko pero di naman ako ng laba ng kulay pulang damit. Naisip ko rin na baka iyong unang gumamit ng banyo, di binuhosan. Kahapon kasi may mga bisita kami. Pero di pa rin ako sure noon. At noong kumain na kami ng hapunan. Sinabi ko sa mga magulang ko na umihi ako ng dugo kahit di pa ako sure noon. Sinermonan ako nila na dhail daw sa pagpupuyat ko sa harap ng computer kaya ako nagkaganito. Syempre lumaban ako, Think Positive. Sa pangalawang pag-ihi ko ay kulay pula pa rin. Naisip ko naman ay baka dahil ito sa sugat ko sa leeg. Nagkabanga kasi kami ng kapatid ko. Pero hindi pa rin iyon sure. Sa pangatlong pag-ihi ay naging normal na ulit. Sinabi ko agad sa mga magulang ko na okay naman ang lahat. Concern sila sa akin baka kasi may sakit ako sa kidney. Wag sana naman. At ngayon sa pagkagising ko ay kulay pula na naman ang ihi ko. Di ko na alam ko ano ang gagawin ko. Magpapacheck-up ba ako o mag-oobserba muna sa pag-ihi ko? Ang kulay pala ng ihi ko ay di talaga kulay dugo. Para itong diesel, malabong kulay ng dugo. Basta red plus white.

Pangatlo: Nakatanggap ako ng mensahe sa facebook:

wag mo na icontact si ——- ha. pota ka.
malaman ko lagi, bntay ka lng. kung may problema ka tungkol kay (ex-girlfriend ko), kay (ex-girlfriend ko) mo sabihin. hindi ky ——-. grabe mo katanga.
nagkakaintindihan ba tayo? gago.

Ang nagmensahe ay syempre ang syota ng kaibigan ko. Grabe naman siya oh. Di ko naman siya aagawin sayo. Kasalanan ko naman kasi eh. Alam ko naman na may syota iyong kaibigan ko pero nagwawall post pa rin ako at nagsimula ito dahil sa isang larawan. Sinabi ko kasi sa kanya na wag niya ipagsabi. Ay long story ito — at iyong nagfavor siya sa akin na magkuha daw ako ng prospectus sa econ. At ang isa pa ay iyong nagkomento ako sa kanyang post at iyong nagkapareha kami ng status sa facebook. Nagkahabahaba ang usapang at nakalimutan kong ibura ang mga winall post ko sa kanya. Tanga talaga oh. Kahit alam ko na mali ako, mali pa rin siya. Overprotective ba ang tawag doon? At sinabi pa niya tungkol sa (ex-girlfriend ko). Wala akong problema sa kanya. Di dapat siya magalit at magmura sa akin. Pota pota at tinawag pa niya akong gago. Pwede naman siguro sabihan lang ako na kung pwede ay iiwasan ko ang kanyang syota. Ganoon lang. At nalaman ko na di na kami friends sa facebook at di na niya ako finofollow sa tumblr baka sa plurk din. Magalit siya kong gusto niyang magalit. Wala akong ginagawang mali.

Nakakabadtrip naman talaga oh. Okay na ako sa badtrip na ganito. Wag lang akong mabagsak sa mga subjects ko. Bigyan niyo ako ng good vibes!

Mar 22, 2010
Paano ba maging tanga?

Una, maniwala ka sa lahat ng sasabihin niya kasi mahal mo siya.

Pangalawa, magtanga-tangahan ka kahit nakakakita ka na ng mga ebidensya na niloloko ka niya.

Pangatlo, isipin mo na mahal mo siya kaya dapat gawin mo padin sinasabi ng puso mo.

Pang-apat, magbingi-bingihan ka sa sinasabi ng mga taong tunay na nagmamahal sayo.

At panglima, ibigay mo lahat at antayin mong suklian niya yun. +

Mar 22, 20102 notes
“They are there, and you are not there. And life is un-pair.” —Roie Ambulo talking to Collin Jimenez (neighbor)
Mar 21, 20102 notes
#Quote
Mar 20, 2010
#Photo #March 2010
I changed my theme.

Binago ko na rin ang layout ng tumblr ko. Apat na gabi ang inaksaya ko sa pagpupuyat at pg-aralin muli ang tumblrcode. Ginawa ko pa rin ito kahit exam week. Bakit kaya mas aktibo ako sa mga ganito kapag may ibang gawain ako?

Mga pagbabago: *Color: From back layout to white layout.
*Two-columns: Right side = para sa mga wordy post
Left Side = Mga imahe/video, applicable lang sa photo,video at audio post.
*Header: Hoverable ang About sa aking {Description}. Meron ng Random at nandoon pa rin ang Archive at RSS. Nakalagay pa rin ang twitter updates ko, facebook, ym at ask links. Binura ko ang claimid link ko kasi gagawa ako ng ibang pangpalit.
*Posts: Video/Photo = h2 Caption /h2
Audio = {AlbumArt} sa left side ang ang title ay ang {Album Name} tapos ang caption ay ang {ArtistName}, {TrackName}.
Text/Quote/Chat/Link/Answer = {Permalink} ang title.
*Footer: Bawat post ay may footer. Ang date, tags, via (kung nireblog ko), add at notes.
Tags = May montyear tags at kung anong uri ng post.
Notes = Permalink sa post at nilagyan ko ng postnotes.
Theme Error: Kung may tama may mali.
*Photoset - Hindi ko ma-fix na sa leftside lang ang posisyon.
*Audio Post - Wala akong nilagay na code dahil alam ko na masisira ang AudioPost.
*Browser - Ang pangit tingnan sa Internet Explorer.
Mga dapat pang baguhin: *Tags - Lalagyan ko pa ng tags ang lahat ng mga post ko.
*Dropdown header - Mag-aaral pa ako nito kung paano gawin ito.
*{PermalinkPagination}

Ano SAY mo?
Mar 20, 20104 notes
#Text #March 2010
Next page →
2012 2013
  • January 1
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December
2011 2012 2013
  • January 13
  • February 7
  • March 2
  • April 6
  • May 1
  • June 1
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December
2010 2011 2012
  • January 49
  • February 15
  • March 28
  • April 34
  • May 23
  • June 8
  • July 12
  • August 7
  • September 3
  • October
  • November
  • December 5
2009 2010 2011
  • January 22
  • February 68
  • March 62
  • April 54
  • May 89
  • June 69
  • July 54
  • August 56
  • September 28
  • October 41
  • November 32
  • December 60
2009 2010
  • January
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December 1