Makapiling ka
Maaga nga akong gumising dahil pinaaga niya ako papunta sa paaralan. Para lang mapasahan ko siya ng kanta ng SpongeCola. Ahaay.
Timing ang pagtext niya at ang paggising ko — ala-sais. Naguguluhan ako kung ano ang uunahin kong gawin. Nakatambak ito sa aking isipang.
a) gagawa ba ako ng takadang aralin
b) maliligo
c) magluluto
d) magpaplantsa
e) maglalaba
f) mag-aaral
Kung hindi lang talaga ako natulog ng maaga at tinapos ko ang aking mga gawain. Ayos na sana.
Pero! Nagawa ko ang lahat at mas napaaga pa nga ako pagpunta sa paaralan. Medyo nahuli ako ng konti dahil puno agad ang mga sasakyan.
Napaaga pa rin ako ng sampung minuto sa usapan namin na 8:35, nagdaan pa ako sa simbahan para magdasal. Imbis na magduty ng maaga, nagpahuli ako kasi hinintay ko siya. Ang tagal niya at para talagang sinusubokan ang pasensya ko. Okay lang basta para sa kanya :) Nakita ko ang aking kaibigan na alam ko na may crush sa akin. Lalapitan ko na sana at sapaglakad ko biglang kong nakita ang hinihintay ko. Napahinto ako at tinapos ang affair ko sa kanya.
Lintek! Di dapat niya nakita ng may gusto sa akin ang hinhintay ko. Di ko maipaliwanag at pinuntahan ko na lang siya at naningil ng utang. Basta. Di ko maipaliwanag.
Ang gusto ko lang sabihin na ayokong makita ng ibang ka-char ko na nakikipagcharcharan sa ibang babae. Gets? Hahaha Wag mo nang igets.
Pero keber. Nangyari na eh.
Duty na ako. Wala pang magawa kaya kinwenta na namin ng kaibigan kong si Vic ang aming DTR. Ito ay iyong finifill-up upang malaman ang sweldo.
Ninanais ko talaga na umabot ito ng P2K ara makabili na ako ng cellphone. At tumpak! Umabot ito ng 2K plus sobra. Sana na makuha ko ito pagkabukas para may magamit ako sa meetup.
Schedule. Duty. Gawa assignment. Nakatunganga.