
May 2010
89 posts
/Di ko muna ilalagay dito/
Aminin mo na tamad ka rin. Lahat naman siguro tayo ay tamad pero hindi sa pareho-parehong bagay. May tamad sa trabaho, tamad sa pag-iisip at marami pa. Wala na akong malagay na halimbawa pa, tamad kasi ako. Pero iba naman ang pagkatamad ko. Tamad ako sa oras siguro. Ayoko gawin ang bagay ngayon pero mamaya gagawin ko at magsisisi ako kung bakit nagpatamad-tamad pa ako. Ang gulo noh?
Di ko maipaliwanag kung tamad ba talaga ang tawag doon. Pareho nito, pinost ko na blanko pero tatapusin ko rin naman pero hindi sa oras na pinost ko ito. Sa palagay ko, naghahanap lang ako ng oras na gagana ang utak ko sa mga bagay tungkol nito. Naghahanap ako ng tiyempo kung saan naisip ko na ang dapat nandito. Nakakatamad isipin. nakakatamad gawin. At dito ko na tatapusin dahil ang tamad ko.
Syempre masakit ang ganon’. Dinedma.
Pero miss na rin kaya kita. Tahimik lang ako. Iniisip ko rin kung bakit tayo ganito, di tulad ng dati. Akala mo lang wala na talaga.
At ang lahat naman sinasadya ko. Sinasadya talaga. Tatawa na lang ako. At tawang-tawa ako sa tinweet mo. I miss you too pero hindi ako bitch. PaHUG!
*Di pa ako nagbago, di lang kita kinakausap
My dear bossing
Namely Sir Ting
Good Morning
Good Evening
I wish you a happy birthday
and everyTING
Love,
Roie Ambulo
The JEJEMON SONG – Whysopas
Ang hirap mong basahin
Di kita kayang spelengin
Bakit hindi ayusin
Kung anong ibig sabihin?
Bakita may halong numbers?
Bakit may special characters?
Andaming sobrang letters?
Pano na ang universe?
Chorus:
Jeje-jeje-jeje-jejemon
Bakit ninyo ginaganon?
Ang simpleng bagay lang noon
Ay komplikado na ngayon
Jeje-jeje-jeje-jejemon
Dumarami taon-taon
Andami na ninyo ngayon
Isa ka ba sa Jejemon?
Kahit ulit-ulitin
Di kita kayang intindihin
Bakit hindi ayusin
Kung anong ibig sabihin?
May H at Z sa dulo
May number six at zero
Oh ang sakit sa ulo
Bakit ba ginaganto?
(Repeat Chorus)
Bridge:
Nung una mga texters
Tas napunta sa Friendster
Sa Facebook at sa Twitter
Meron pang zZtarbucks encounter
Let’s dance my tumblr promdate.
Sumakay sa sakit sa labas ng pag-ibig, at pagkatapos ay pag-ibig ay hindi umiiral.
Ako walang karanasan, marunong magpayo sa mga tao.
Pero kung ako ang nasa kanilang posisyon, wala akong magawa.
/Heartaches,Lovelife/
/Hello world/
Ganito na din ako:
I’m sad - Yhel
Hindi ko alam kung tama ang term na ginamit ko. Ipapaliwanag ko na lang na may kasalungat sa araw na ito. Kabaligtaran? Opposite? Kakaiba? Ironic?
Mayo beinte tres. Kalat-kalat dito sa tumblr na ang araw na ito ay ika-143 sa taong 2010. It means “spread love” daw. Who cares? Joke. Parang Valentines Day sa buwan ng Mayo. Pero sa mga estudyante, sa na estudyante, sa mga guro at sa mga nakakilala kay Ginoong Maynard Galam, ang lahat ay nalulungkot sa kanyang pagpawi.
Nabalitaan ko na lang noong isang araw na nasa stage 4 pancreatic cancer na siya. Lumalaban at ang lahat ay nagdarasl na makakaya niya itong sakit. At nakatanggap na lang ako ng text message na si Ginoong Maynard Galam ay sumakabilang buhay na.
Ito ang sinasabi kong “Ironic”. 143 days of the year 2010 tapos death day ng aking/aming guro na si Ginoong Maynard Galam. Wala na akong balita sa kanya. Ang tangi ko lang naaalala ay lagi siyang nagsasalita tungkol sa larong RF. Isang palangiti at tahimik na guro sa Social Studies at Economics. May you rest in peace Sir Maynard Galam.
Kaya naiinis ako sa araw na ito. Kaarawan pa namn ng kaibigan ko. Oh well, oh well. Ironic nga ba?
K.
I’m the one who is incharge of monitoring who will be attending. In case of any changes of the said meet-up.
Pwede niyo rin i-contact sila pero I prefer na ako na lang para maisa lang. To know if marami ba ang aattend or not. Though they still know updates from me through facebook.
Ano naman ang problema kung ako? Hindi ko naman inaangkin ang meetup.